Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2010

Chapter 3

CHAPTER 3 Tinahak na ni Gretchen ang madilim na landas. Palingun-lingon pa siya sa paligid dahil sa pag-aakalang baka may nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya'y palaging may nakasunod sa kanya. Parang gusto siyang patayin. Lumingon siyang muli. Ang mga kahoy na nasa kanyang paligid ay masyadong nakakatakot tingnan. Parang mga taong sa kanya'y nakatitig. Talaga ngang may nakasunod sa kanya. Hindi malinaw ang kanyang itsura dahil nga sa kadiliman ng gabi. May katabaan ito at parang nanlilisik ang kanyang mga mata. Takot man si Gretchen ay pinilit pa rin niyang magpatuloy sa kanyang paglalakad. Magubat ang dinadaanan ngayon ni Gretchen. Ano mang oras ay pwede siyang patayin ng ano mang nilalang na sumusunod sa kanya. Malayo pa rin ang kanyang patutunguhan, dahil nga, wala naman siyang patutunguhan. Sa isang iglap, isang anino ang biglang bumalot sa kanya. Naramdaman na lang niya ang isang malakas na pwersa na nagpatumba sa kanya. Pagkatapos noon, kadiliman at katahim