Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2010

Chapter 2

CHAPTER 2 Alam ni Gretchen na galit si Kirumbing sa kanyang ginagawa ngayon. "Inuulit ko Gretchen. Saan ka ba pupunta?" tanong uli ni Kirumbing. Kinakabahan na si Gretchen sa mgay nangyayri. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa. "Ah, wala, Kirumbing... May tinitingnan lang ako sa labas. Nakalimutan kong wala na palang maaapakan sa aking likuran, kaya nahulog ako," paliwanag ni Gretchen. "Nahulog? Eh, alam mong buntis ka, aakyat-akyat ka pa dyan sa taas. Eh, kung masaktan ang anak natin," dagdag uli ni Kirumbing. Naalala uli ni Gretchen ang kanyang kalagayan ngayon. Buntis pala siya at dinadala niya ngayon ang lahi ni Kirumbing. "Aah... Eehh...," di natuloy na wika ni Gretchen. Hindi niya natuloy oyom sapagkat naglakad na si Kirumbing, hindi patungo sa kanya kundi patungo sa lugar na inakyatan niya kanina lamang. May kung anong tiningnan si Kirumbing sa itaas. Doon, nakita ni Kirumbing ang isang malaking butas sa kabilang panig ng bodega. Pinagm