Skip to main content

Chapter 2

CHAPTER 2
Alam ni Gretchen na galit si Kirumbing sa kanyang ginagawa ngayon. "Inuulit ko Gretchen. Saan ka ba pupunta?" tanong uli ni Kirumbing. Kinakabahan na si Gretchen sa mgay nangyayri. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa. "Ah, wala, Kirumbing... May tinitingnan lang ako sa labas. Nakalimutan kong wala na palang maaapakan sa aking likuran, kaya nahulog ako," paliwanag ni Gretchen. "Nahulog? Eh, alam mong buntis ka, aakyat-akyat ka pa dyan sa taas. Eh, kung masaktan ang anak natin," dagdag uli ni Kirumbing. Naalala uli ni Gretchen ang kanyang kalagayan ngayon. Buntis pala siya at dinadala niya ngayon ang lahi ni Kirumbing. "Aah... Eehh...," di natuloy na wika ni Gretchen. Hindi niya natuloy oyom sapagkat naglakad na si Kirumbing, hindi patungo sa kanya kundi patungo sa lugar na inakyatan niya kanina lamang. May kung anong tiningnan si Kirumbing sa itaas. Doon, nakita ni Kirumbing ang isang malaking butas sa kabilang panig ng bodega. Pinagmasdan rin niya ang lahat nang anggulo na pwedeng maging dahilan kung bakit nasa itaas si Gretchen kani-kanina lamang. Wala siyang nakikitang ano mang mali sa paligid. Mayroon talagang butas sa kabilang panig ng bodega. Noon pa ma'y naroon na ang butas na iyon. Walang dapat ipagtaka. Maya-maya pa'y nagwikang muli si Kirumbing. "Matulog ka na." Pagkatapos ay umalis na si Kirumbing.
Pagkaalis ni Kirumbing, nanatili pa ring walang imik si Gretchen. Parang may nakita siyang milto kani-kanina lamang. Nakalimutan niya ang kanyang mga plano. Maya-maya pa'y natauhan na rin siya. "Aalis pa rin ako!" nabanggit niya sa kanyang sarili. Nang matanto niyang wala na si Kirumbing sa paligid, bumalik na naman siya sa kanyang pinaplano. Medyo malaki kasi ang bodega ni Eliel. Marami ang kwartong naroon at si Kirumbing ay hindi pa rin sanay makipagsabay matulog kay Gretchen. Wala na nga si Eliel sa paligid. Ni anino niya ay hindi na niya makita. Umakyat na naman siya sa itaas ng kanyang luluksuhang kahoy. Pumusisyon siya roon at ipinikit muli ang kanyang mga mata. Kinalimutan ang nakaraan nila ni Kirumbing at ang kambing na nasa kanyang sinapupunan. Kinalimutan na rin niya ang kanyang natatanging damdamin kay Eliel. Pagpikit niya'y naramdaman na lang niya na hinihila ng gravity ang kanyang katawan. Alam niyang pababa ang pinupuntahan ng kanyang katawan. Pagkatapos ng mga tatlong sigundo ay naramdaman niya ang isang malakas na puwersa mula sa kanyang paanan. At sinabayan iyon ng matinding pagtaas ng kanyang katawan pataas. "Meeeeeeeeeeh!" Narinig na lang niya ang kanyang sarili na sumisigaw. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang kanyang sarili na papalabas na sa malaking butas. Pababa na uli ang kanyang katawan at pagkatapos ay sa isang nakatipong uhay ng palay siya bumagsak. Wala siyang naramdamang sakit pero pagulunggulong na umikot ang kanyang katawan sa lupa. Bumangon siya at tiningnan niyang muli ang bodega. Tahimik pa rin ito. Lumingun-lingon siya sa paligid at itinutok ang mata sa bahay ng kanyang amo. Siguradong natutulog pa rin ito, iyon ang palagay niya sa kanyang sarili.
Paglipas ng maikling sandali ay nagsimula nang maglakad si Gretchen. Wala siyang alam na patutungohan. Lumingon uli si Gretchen sa bahay ng kanyang amo at sa bodega. Malayu-layo na pala ang kanyang nilakbay. Pagkatapos ay nagpatuloy siyang muli. Nilakbay ang kahabaan ng daanan at ng landas na walang tiyak na patutunguhan.

Comments

Popular posts from this blog

Chapter 3

CHAPTER 3 Tinahak na ni Gretchen ang madilim na landas. Palingun-lingon pa siya sa paligid dahil sa pag-aakalang baka may nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya'y palaging may nakasunod sa kanya. Parang gusto siyang patayin. Lumingon siyang muli. Ang mga kahoy na nasa kanyang paligid ay masyadong nakakatakot tingnan. Parang mga taong sa kanya'y nakatitig. Talaga ngang may nakasunod sa kanya. Hindi malinaw ang kanyang itsura dahil nga sa kadiliman ng gabi. May katabaan ito at parang nanlilisik ang kanyang mga mata. Takot man si Gretchen ay pinilit pa rin niyang magpatuloy sa kanyang paglalakad. Magubat ang dinadaanan ngayon ni Gretchen. Ano mang oras ay pwede siyang patayin ng ano mang nilalang na sumusunod sa kanya. Malayo pa rin ang kanyang patutunguhan, dahil nga, wala naman siyang patutunguhan. Sa isang iglap, isang anino ang biglang bumalot sa kanya. Naramdaman na lang niya ang isang malakas na pwersa na nagpatumba sa kanya. Pagkatapos noon, kadiliman at katahim

Chapter 1

CHAPTER 1 Noong unang panahon, sa isang napaka-layong lugar ng Bukidnon, may isang napakagwapong magsasaka na nagnga-ngalang Eliel. Mayroon siyang inaaring isang kambing na nagngangalang Gretchen. Dahil nga sa kagwapuhan ni Eliel, crush na crush talaga siya ni Gretchen.Isang araw, narinig na lang ni Eliel na ang ingay-ingay na ni Gretchen sa labas. Itinali kasi niya ito sa isang kahoy. Pero alam niyang hindi iyon ang ikinaiingay ni Gretchen."O, ano ba ang ikinaiingay ng mahal kong kambing?," tanong ni Eliel sa kanyang alaga. Nasayahan naman si Gretchen sa mga nangyayari kasi nga, crush na crush niya si Eliel. "Ahhh... Wala naman Eliel. Wala," pakipot na tugon naman ni Gretchen.Tiningnan ni Eliel ang katawan ni Gretchen. Maya-maya pay napasigaw siya. “Hindi!”. Nagulat si Gretchen. “Bakit?,” tanong naman ng kambing. “May inililihim ka sa akin Gretchen?” tanong ni Eliel. “Ha?! W-wala! Maniwala ka sa akin” takot na sagot ni Gretchen. “Bakit?” tanong uli ni Gretche