Skip to main content

Chapter 1



CHAPTER 1


Noong unang panahon, sa isang napaka-layong lugar ng Bukidnon, may isang napakagwapong magsasaka na nagnga-ngalang Eliel. Mayroon siyang inaaring isang kambing na nagngangalang Gretchen. Dahil nga sa kagwapuhan ni Eliel, crush na crush talaga siya ni Gretchen.Isang araw, narinig na lang ni Eliel na ang ingay-ingay na ni Gretchen sa labas. Itinali kasi niya ito sa isang kahoy. Pero alam niyang hindi iyon ang ikinaiingay ni Gretchen."O, ano ba ang ikinaiingay ng mahal kong kambing?," tanong ni Eliel sa kanyang alaga. Nasayahan naman si Gretchen sa mga nangyayari kasi nga, crush na crush niya si Eliel. "Ahhh... Wala naman Eliel. Wala," pakipot na tugon naman ni Gretchen.Tiningnan ni Eliel ang katawan ni Gretchen. Maya-maya pay napasigaw siya. “Hindi!”.


Nagulat si Gretchen. “Bakit?,” tanong naman ng kambing. “May inililihim ka sa akin Gretchen?” tanong ni Eliel. “Ha?! W-wala! Maniwala ka sa akin” takot na sagot ni Gretchen. “Bakit?” tanong uli ni Gretchen. “Buntis ka! Sino ang ama ng kambing na iyan!?” galit na tanong ni Eliel. “Nagbunga pala…” hindi natuloy na pahayag ni Gretchen. “Ha? Anong nagbunga?” tanong uli ni Eliel.“Hindi ko akalaing magbubunga ang ginawa naming ni Kirumbing,” paliwanag ng kambing. “At ang pangit na si Kirumbing pa ang ama ng kambing na yan? Ipalaglag mo yan!” pasigaw na tugon ng magsasaka.Umiyak na lang ang kawawang kambing. “Mee.. Mee..”Maya-maya pa’y pumasok na sa luob ng bahay si Eliel. Galit na galit siya.
Labis rin namang nasaktan si Gretchen sa lahat nang nangyari.Kinagabihan, hindi na natiis ni Gretchen ang mga nangyari sa kanya kininang umaga. Gumawa siya ng paraan para makaalis sa lugar na iyon. Dahil nga nakakulong siya sa isang madilim na kulungan ng mga kambing, nag-isip talaga siya ng isang paraan para makalabas. Lumingun-lingon pa nga siya para sakaling may makita siyang isang lagusan. May nakita nga siya, pero ang problema, masyadong mataas yun. Hindi niya maabot. Maya-maya, may nakita siyang isang parang isang kahoy na nakapatong sa isang nakajalang na kahoy. Nakataas ang isang dulo ng kahoy at ang kabilang dulo ay nakabaon sa lupa. Kapag lumukso siya roon, siguradong ililipad siya nito palabas sa lagusang kanyang nakita. Sinubukang tumalon ni Gretchen pero sa una niyang talon, sa lupa siya bumagsak. “Aray!” sigaw ni Gretchen.
Doon sa kabilang kwarto, narinig ni Eliel ang sigaw ni Gretchen. Napabangon siya mula sa kanyang kama. Gusto niya sanang bumaba pero nang makita niyang may gabi pa, inantok siyang muli at humiga siyang muli.Sa kulungan naman ni Gretchen, takot na takot na talaga siya dahil sa pag-aakalang magigisong ang kanyang amo. “Haay…,” nasambit na lamang niya nang matanto niyang walang yapak ng taong papalapit sa kulungan nila. Pumuwesto na naman siyang muli sa kanyang para lumuksong muli. Subalit habang papatalon na sana siya, isang pangyayari ang muling bumulalas sa kanya.“Gretchen? Anong ginagawa mo?” tanong ng boses.


Alam na alam ni Gretchen ang boses na iyon. Lumingon siya sa pinanggagalingan ng boses. “Kirumbing?” tanong niya nang matiyak na niya ang kung kanino ang boses na gumambala sa kanyang plano. Bumaba si Gretchen sa kanyang posisyon. Nahihiya pa nga siyang lumakad papalapit kay Kirumbing. “Anong ibig sabihin nito?” tanong uli ni Kirumbing. Tahimik pa rin si Gretchen. “Gretchen!? Sagutin mo ako!” galit na tanong ni Kirumbing. Sa mga oras na iyon, naramdaman ni Gretchen ang pag-aalala sa kanya ni Kirumbing. Pumasok na sa isip ni Gretchen na baka iniisip ni Kirumbing na magpapakamatay na siya. Tahimik pa rin si Gretchen na parang may pagkakamaling iniisip.

Comments

Popular posts from this blog

Chapter 3

CHAPTER 3 Tinahak na ni Gretchen ang madilim na landas. Palingun-lingon pa siya sa paligid dahil sa pag-aakalang baka may nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya'y palaging may nakasunod sa kanya. Parang gusto siyang patayin. Lumingon siyang muli. Ang mga kahoy na nasa kanyang paligid ay masyadong nakakatakot tingnan. Parang mga taong sa kanya'y nakatitig. Talaga ngang may nakasunod sa kanya. Hindi malinaw ang kanyang itsura dahil nga sa kadiliman ng gabi. May katabaan ito at parang nanlilisik ang kanyang mga mata. Takot man si Gretchen ay pinilit pa rin niyang magpatuloy sa kanyang paglalakad. Magubat ang dinadaanan ngayon ni Gretchen. Ano mang oras ay pwede siyang patayin ng ano mang nilalang na sumusunod sa kanya. Malayo pa rin ang kanyang patutunguhan, dahil nga, wala naman siyang patutunguhan. Sa isang iglap, isang anino ang biglang bumalot sa kanya. Naramdaman na lang niya ang isang malakas na pwersa na nagpatumba sa kanya. Pagkatapos noon, kadiliman at katahim

Chapter 2

CHAPTER 2 Alam ni Gretchen na galit si Kirumbing sa kanyang ginagawa ngayon. "Inuulit ko Gretchen. Saan ka ba pupunta?" tanong uli ni Kirumbing. Kinakabahan na si Gretchen sa mgay nangyayri. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa. "Ah, wala, Kirumbing... May tinitingnan lang ako sa labas. Nakalimutan kong wala na palang maaapakan sa aking likuran, kaya nahulog ako," paliwanag ni Gretchen. "Nahulog? Eh, alam mong buntis ka, aakyat-akyat ka pa dyan sa taas. Eh, kung masaktan ang anak natin," dagdag uli ni Kirumbing. Naalala uli ni Gretchen ang kanyang kalagayan ngayon. Buntis pala siya at dinadala niya ngayon ang lahi ni Kirumbing. "Aah... Eehh...," di natuloy na wika ni Gretchen. Hindi niya natuloy oyom sapagkat naglakad na si Kirumbing, hindi patungo sa kanya kundi patungo sa lugar na inakyatan niya kanina lamang. May kung anong tiningnan si Kirumbing sa itaas. Doon, nakita ni Kirumbing ang isang malaking butas sa kabilang panig ng bodega. Pinagm